Kagawad ng barangay patay sa pamamaril sa Lucena

Nasawi ang isang barangay kagawad matapos tambangan sa Lucena City.

Isang hindi nakilalang suspek ang bumaril sa biktimang si Ariel Sotomayor, 46 anyos.

Si Sotomayor ay incumbent kagawad sa Barangay Ibabang Dupay.

Pinagbabaril siya ng ilang beses sa national road na sakop ng Purok Atis sa Barangay Mayao Crossing alas 8:15 ng gabi ng Huwebes, April 25.

Sugatan naman ang 15-anyos na batang lalaki matapos tamaan ng stray bullet sa kaliwang braso.

Ginagamot pa ang bata sa Saint Anne Hospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...