Kagawad ng barangay patay sa pamamaril sa Lucena

By 46 anyos., Isang hindi nakilalang suspek ang bumaril sa biktimang si Ariel Sotomayor April 26, 2019 - 09:06 AM

Nasawi ang isang barangay kagawad matapos tambangan sa Lucena City.

Isang hindi nakilalang suspek ang bumaril sa biktimang si Ariel Sotomayor, 46 anyos.

Si Sotomayor ay incumbent kagawad sa Barangay Ibabang Dupay.

Pinagbabaril siya ng ilang beses sa national road na sakop ng Purok Atis sa Barangay Mayao Crossing alas 8:15 ng gabi ng Huwebes, April 25.

Sugatan naman ang 15-anyos na batang lalaki matapos tamaan ng stray bullet sa kaliwang braso.

Ginagamot pa ang bata sa Saint Anne Hospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: ambush, Barangay Kagawad, Lucena City, Radyo Inquirer, ambush, Barangay Kagawad, Lucena City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.