Security guard inaresto matapos mangikil sa isang Chinese national sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 08:50 AM

Arestado ang isang security guard matapos na mangikil sa isang turistang Chinese sa Makati City.

Ayon sa Makati City police, dinakip si Gilbert Suarez, 49 anyos, security guard ng Gramercy Residences.

Hiningan umano ni Suarez ng P300,000 ang dayuhan na si Jinhua Xie, 29 anyos at pinangakuan itong hindi na kakasuhan ng paglabag sa Cyber Access Device Act.

Sinabihan din umano ni Suarez si Xie na hindi siya isusumbong sa Bureau of Immigration (BI) dahil sa ilegal na pananatili sa bansa.

Nang sinabi ng dayuhan na hindi niya kayang magbayad ng nasabing lahaga sa suspek ay ibinaba ito sa P100,000 na lamang.

Doon na nagsumbong ang biktima sa mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

TAGS: chinese national, Extortion, Makati, Security guard, chinese national, Extortion, Makati, Security guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.