British actor na si Daniel Craig kinumpirmang huling James Bond movie na niya ang “Bond 25”
Kasabay ng paglulunsad ng bagong James Bond movie, kinumpirma ng British actor na si Daniel Craig na ito na ang huling pagganap niya sa sikat na karakter.
Ginampanan ni Craig ang nasabing role mula noong 2006 sa Casino Royale at ang pang-lima na may working title na Bond 25 ay nakatakdang ipalabas sa susunod na taon.
Aminado ang aktor na nakakapagod gampanan ang role bilang James Bond na ayon na rin sa kanya ay mas gugustuhin daw niyang “maglaslas ng pulso” kaysa gumanap muli bilang 007 agent.
Ilang beses na nakaranas si Craig ng injury sa shooting ng James Bond movie at aminado ang 51 year old actor na nais niya ang pahinga.
Sinundan ni Craig bilang James Bond ang Irish actor na si Pierce Brosnan at pang-anim na aktor na gumanap sa tanyag na 007 agent.
Samantala, kinumpirma din ng produksyon na gaganap bilang bagong kontra bida ni James Bond ay ang Oscar winning actor na si Rami Malek.
Magbabalik naman sa kanilang mga role sina Ralph Fiennes, Rory Kinnear, Ben Whishaw, Naomie Harris, Lea Seydoux at Jeffrey Wright
Wala pang detalye sa kung ano ang magiging takbo ng bagong movie ng sikat na British spy maliban sa impormasyon na gagawin ang shooting sa Jamaica.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.