Luzon grid isinailalim sa yellow alert ngayong maghapon

By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 07:55 AM

Bahagyang nadagdagan ang reserba ng kuryente sa Luzon grid ngayong araw ng Biyernes, April 26.

Sa kabila nito, iiral pa rin ang yellow alert sa Luzon grid sa maghapon habang wala naman nang itataas na red alert.

Ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang available capacity para sa Luzon grid ay 11,544 megawatts habang 10,632 megawatts ang peak demand.

Sa ilalim ng yellow alert ay hindi kailangang magpatupad ng rotational brownout maliban na lamang kung mayroon pang pumalyang mga planta ng kuryente.

TAGS: luzon grid, ngcp, power plant, power reserve, power supply, Radyo Inquirer, Yellow Alert, luzon grid, ngcp, power plant, power reserve, power supply, Radyo Inquirer, Yellow Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.