Pito sugatan sa karambola ng 2 motorsiklo at 1 truck sa Quezon

Sugatan ang pitong katao sa karambola ng dalawang motorsiklo at isang mini truck sa Mauban, Quezon.

Naganap ang aksidente sa national highway ng Barangay Santol, alas 11:00 ng gabi ng Huwebes (Apr. 25).

Ang mga nasugatan ay kinabibilangan ng limang lalaki at dalawang babae na ang mga edad ay nasa pagitan ng 20 at 34 na taong gulang.

Ayon sa Municipal Disater Risk Reduction and Management Office ng Mauban, pawang nagtamo ng bali sa braso, binti, at sugat sa katawan ang mga biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Mauban police sa nangyaring aksidente.

Read more...