17 babae nailigtas sa prostitusyon sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo April 26, 2019 - 06:23 AM

Aabot sa 17 babae ang nailigtas ng mga otoridad sa prostitusyon sa Cavite.

Nakatakdang ibugaw ang mga biktima sa halagang P5,000.

Walo sa mga biktima ay pawang menor de edad.

Ayon kay Police Lt. Col. Samuel Mina Jr. ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC), nadakip sa kanilang operasyon ang isa ring menor de edad na siyang nagsisilbing bugaw.

Gamit ang social media ay niyaya ng suspek ang mga babae at kinita ang mga ito sa Las Piñas CIty.

Ayon naman sa biktima, party ang alam nilang pupuntahan nila at hindi nila alam na ibubugaw na sila.

Sinabi ng suspek na ngayong taon lamang niya inumpisahan ang ilegal na gawain at binabayaran siya ng P1,500 sa kada babae na mahihikayat.

TAGS: cavite, prostitution, Radyo Inquirer, cavite, prostitution, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.