M4.4 na lindol tumama sa San Nicolas, Ilocos Norte

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Ilocos Norte alas 3:00 Biyernes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naitala sa bayan ng San Nicolas.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity IV – San Nicolas, Ilocos Norte

Intensity III – Sarrat, Ilocos Norte

Habang Instrumental Intensities naman sa sumusunod:

Intensity IV – Sinait, Ilocos Sur

Intensity III – Pasuquin, and Laoag City, Ilocos Norte

Intensity II – Vigan City, Ilocos Sur

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian at aftershocks bunsod ng lindol.

Read more...