Easterlies patuloy na nakakaapekto sa bansa

By Len Montaño April 26, 2019 - 04:43 AM

Easterlies o mainit na hangin galing Dagat Pasipiko ang patuloy na umiiral sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon sa 4am weather forecast ng Pagasa, dahil sa easterlies ay asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon.

Batay sa satellite imagery, halos walang kaulapan sa Luzon at Visayas habang sa Mindanao ay may mga dumaraan na thunderstorm clouds.

Walang binabantayan ang Pagasa na weather disturbances na maaaring mabuo o pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend o hanggang matapos ang Abril.

Sa Bicol Region at Metro Manila ay mainit at maalinsangang panahon din ang mararanasan na may localized thunderstorms sa hapon o gabi.

TAGS: easterlies, mainit at maalinsangang panahon, Pagasa, PAR, Thunderstorms, weather disturbances, easterlies, mainit at maalinsangang panahon, Pagasa, PAR, Thunderstorms, weather disturbances

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.