Matinding tagtuyot mararanasan sa Metro Manila at 16 na lalawigan sa Mayo
Inanunsyo ng PAGASA araw ng Huwebes na makararanas ng drought o mas matinding tagtuyot ang Metro Manila at ang mas marami pang probinsya sa susunod na buwan dahil sa El Niño.
Ang makararanas ng drought sa Mayo sa Luzon bukod sa Metro Manila ay ang Albay, Bataan, Cavite, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Romblon, Sorsogon.
Sa Visayas ay maaapektuhan din ng drought ang Aklan, Biliran, Eastern, Northern at Western Samar at Leyte.
Dry spell naman ang mararanasan sa Bohol, Cebu at Southern Leyte.
Sa ngayon ay 41 probinsya ang nakararanas ng drought ayon sa PAGASA.
Ang drought ayon sa PAGASA ay ang pagkakaroon ng below normal na rainfall condition sa tatlong sunud-sunod na buwan na 60 percent na mas mababa sa average rainfall o hindi kaya ay limang sunud-sunod na buwan ng below normal na rainfall condition na 21 hanggang 60 percent na mas mababa sa average rainfall.
Ang dry spell naman ay tatlong sunud-sunod na buwan ng below normal rainfall condition na 21 hanggang 60 percent na mababa sa average o hindi kaya ay dalawang magkasunod na buwan na below normal rainfall condition na may higit 60 percent na mas mababa sa average rainfall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.