Sarrat, Ilocos Norte niyanig ng M4.3 na lindol

Tumama ang magnitude 4.3 na lindol sa Ilocos Norte alas 3:00 Biyernes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay naitala sa bayan ng Sarrat.

Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 18 kilometro.

Naitala rin ang sumusunod na Instrumental Intensities:

Intensity IV – Sinait, Ilocos Sur

Intensity III – Pasuquin, at Laoag City, Ilocos Norte

Intensity II – Vigan City, Ilocos Sur

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian at aftershocks bunsod ng lindol.

Read more...