May oil price rollback muli ngayong araw

 

File photo

Nagbawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina, nagbaba ng singkwenta sentimos ang Petron, Seaoil at Flying V sa kanilang diesel products samantalang 70 centavos naman sa gaas o kerosene.

Ayon naman sa Pilipinas Shell, alas 6:00 mamayang umaga, singkwenta sentimos ang bawas sa kanilang diesel samantalang 75 sentimos naman ang rollback sa presyo ng kanilang gaas.

Ang Eastern Petroleum, PTT at Phoenix ay magbabawas ng singkwenta sentimos sa kanilang diesel epektibo alas sais ng umaga mamaya.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina sa araw na ito.

Read more...