WATCH: CCTV footages sa loob ng Chuzon Supermarket inilabas ng pulisya

By Rhommel Balasbas April 26, 2019 - 02:45 AM

Screengrab of CCTV footages

Inilabas ng Pampanga Provincial Police Office (PPO) araw ng Huwebes ang mga kopya ng CCTV sa loob ng Chuzon Supermarket nang maganap ang lindol.

Sa unang CCTV footage, makikita kung paano bumagsak ang kisame at ikatlong palapag ng Chuzon supermarket.

Habang ang isa ay nagpapakita kung paanong nagtakbuhan ang mga empleyado at mamimili habang lumilindol.

Ayon kay Pampanga PPO Director Pol. Col. Jean Fajardo, inaasahang magiging malaki ang tulong ng CCTV footages sa kanilang imbestigasyon.

Sisiyasatin ng pulisya kung angkop ang ginamit na mga materyales sa kontruksyon ng pamilihan.

Samantala, umarangkada na rin ang clearing operations matapos masigurong wala nang buhay na kailangang isalba sa pagguho.

Napasok na ng rescue team ang ground floor ng pamilihan kung saan naroon ang grocery store at baggage counter.

Natanggal na rin ang bubong ng supermarket at sunod nang tatanggalin ang mga poste nito.

Inaasahang tatagal ng tatlong araw ang isinasagawang clearing operations.

TAGS: baggage counter, CCTV footage, Chuzon Supermarket, clearing operations, grocery store, kisame, lindol, Pampanga Provincial Police Office, Pol. Col. Jean Fajardo, baggage counter, CCTV footage, Chuzon Supermarket, clearing operations, grocery store, kisame, lindol, Pampanga Provincial Police Office, Pol. Col. Jean Fajardo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.