Halos P7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon sa Cebu City Huwebes ng gabi.
Arestado ang tatlong suspek sa loob ng 7 oras na anti-drugs operations sa iba’t ibang lugar.
Ayon kay Police Col. Glenn Mayam, Police Drug Enforcement Group Visayas chief, pasado ala 1:00 ng hapon nang maaresto ang estudyanteng si Jose Alex Roble, 20 anyos sa General Maxilom Avenue sa Brgy. Carreta.
Nakumpiska kay Roble ang 50 gramo ng shabu na tinatayang P340,000 ang halaga.
Makalipas ang 2 oras, inaresto ng Labangon Police si Roy Ahig, 47 anyos na nakunan ng 75 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso.
Sinabi ni Police Major Keith Allen Andaya, Labangon Police Precinct chief, nakatanggap sila ng report na si Ahig, na nakalaya sa kulungan noong October 2o17 matapos makulong ng 10 taon dahil sa droga ay bumalik sa pagtutulak ng shabu.
Samantala, dakong alas 6:00 ng gabi nang masabat ng pulisya ang pinakamalaking halaga ng shabu na tinatayang P3.4 million sa buy bust operation sa Brgy. Duljo Fatima.
Arestado si Orsolano Alpapara, 40 anyos matapos itong makuhanan ng 505 gramo ng shabu.
Nakatakas ang isang hindi nakilalang kasabwat ni Alpapara pero kakasuhan pa rin ito ng pulisya.
Makalipas ang 1 oras, nasamsam naman ang P2.7 milyong halaga ng shabu sa isang 17 anyos na lalaki sa Sitio Huyong Huyong, Brgy. Mambaling.
Ayon kay Lt. Col. Glenn Gonzales, PDEG Visayas deputy chief, tinurn-over ang binatilyo sa Operation Second Chance sa Brgy. Kalunasan.
Nakumpirma anya sa surveillance na isang drug courier ang hindi pinangalanang binatilyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.