Pilipinas kabilang sa pinaka-emosyunal na mga bansa ayon sa pag-aaral
Kasama ang Pilipinas sa world’s most emotional countries noong 2018 base sa global well-being index.
Lumabas sa Gallup 2019 Global Emotions Report na anim sa sampung Pilipino ang nakaranas ng mga positibo at negatibong emosyon.
Nagtala ang Pilipinas, kasama ang Nigeria at Ecuador ng average 60 percent na sagot na “yes.”
Dahil dito, pasok ang Pilipinas sa listahan ng 12 bansa sa buong mundo na most emotional countries.
Sumunod ang Costa Rica, Sierra Leone, Papua New Guinea at Peru na nagtala ng 59 percent.
Habang 58 percent ang nakuha ng Nicaragua, Honduras, Sri Lanka at Guatemala.
Kabilang sa positibong bagay na naranasan ng respondents ang madalas na pagngiti o pagtawa, may sapat na pahinga, iginagalang, may natutunang magandang bagay at nakaranas ng kasiyahan bago ang pag-aaral.
Sa negative experience index questions naman ay tinanong ang mga respondents kung nakaranas sila ng pananakit, pag-aalala, kalungkutan, stress at galit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.