Avengers: Endgame nagtala ng bagong box office record; kumita ng P205.6M sa opening day

By Len Montaño April 25, 2019 - 11:36 PM

Kumita ang “Avengers: Endgame” ng mahigit P205.6 million sa unang araw na ipinalabas ito sa Pilipinas, dahilan para ito na ang maging highest-grossing opening sa bansa.

Ayon sa Disney Philippines, bagong box office record ang ginawa ng pang-apat na pelikula ng Avengers franchise at ang epic na pagtatapos sa Marvel Cinematic Universe sa kinita nitong P205,676,345.00 nang magbukas sa mga sinehan araw ng Miyerkules April 24.

Sinira ng Avengers: Endgame ang record ng Avengers: Infinity War na kumita ng P141.6 million sa opening day sa bansa noong 2018.

Bago ang April 24 opening, nagbenta na ng mga tikets ang mga mall at ilang sinehan para sa inaabangang Marvel movie installment.

Ilang sinehan pa ang maagang nagbukas ng alas 6:00 ng umaga at nag-alok ang 24-hour showing ng pelikula.

TAGS: Avengers: Endgame, Avengers: Infinity War, box office record, Disney Philippines, highest-grossing opening, Marvel Cinematic Universe, opening day, Avengers: Endgame, Avengers: Infinity War, box office record, Disney Philippines, highest-grossing opening, Marvel Cinematic Universe, opening day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.