P46.6M halaga ng cocaine nakitang palutang-lutang sa Dinagat Islands
Narekober ng pulisya ang walong bricks ng cocaine na nagkakahalaga ng P46.6 milyon sa karagatang sakop ng Dinagat Islands.
Ayon sa Caraga Police, isang mangingisda ang nakakita sa cocaine na palutang-lutang malapit sa lighthouse sa munisipalidad ng Loreto.
Nakabalot anya ang cocaine sa transparent cellophane.
Ibinigay ng mangingisda ang cocaine sa isang Barangay Kagawad na ipinaalam naman sa mga tauhan ng Dinagat Islands Provincial Mobile Force.
Samatala, iniulat naman ng apat na mangingisda na may nakita silang kahina-hinalang bagay na lumulutang sa dalampasigan sa parehong munisipalidad.
Tumugon ang Loreto Municipal Police Station at narekober ang pito pang bricks ng cocaine.
Hinikayat naman ni Caraga Police director Brig. Gen. Gilberto Cruz ang mga residente na manatiling alerto at ireport sa otoridad ang anumang kahina-hinalang bagay na lumulutang sa karagatang sakop ng rehiyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.