Pilipinas at China pinagtibay ang ugnayan sa gitna ng tensyon sa West Phil. Sea
Pinagtibay ng Pilipinas at China ang diplomatikong ugnayan sa kabila ng umigting na tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea.
Sa kanilang bilateral meeting, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang pagkakaroon ng “high quality” at “good impact” na mga proyekto.
Sinaksihan nina Duterte at Xi ang paglagda ng dalawang bilateral agreements sa Great Hall of the People sa China araw ng Huwebes.
Ito ay palitan ng mga commitment ng Pilipinas at China ukol sa production capacity at investment cooperation.
Saksi rin ang dalawang lider sa handover ng grant package ng China para sa drug abuse treatment at rehabilitation centers sa Sarangani at Agusan del Norte.
Sinabi ni Dutrerte, isa sa 35 heads of state na nasa Beijing para sa second Belt and Road Forum, isa itong pagkakataon para ma-renew at mapagtibay ang ugnayan ng Pilipinas at China.
Sa kanya namang panig ay tinawag ni Xi si Duterte na “genuine” friend at “trusted partner.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.