Red alert status sa Luzon grid, pinalawig ng NGCP

Pinalawig ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang red alert status para sa Luzon grid hanggang alas 11:00 ngayong gabi.

Ayon sa NGCP, sa ngayon ay nasa 9,506 megawatts ang available power capacity habang ang peak demand ay nasa 9,580 megawatts, kaya may kakulangang 74 megawatts.

Dahil dito sinabi ng ahensya na posible ang rotational brownouts sa ilang bahagi ng Metro Manila, Tarlac at Quirino mula alas 9:00 hanggang alas 10:00 ngayong gabi.

“Schedule may be cancelled if system condition improves, such as if actual demand falls below projections,” pahayag ng NGCP.

Unang inilagay sa red alert status ang Luzon grid mula alas 6:00 hanggang alas 10:00 ng gabi.

Oras na tanggalin ang red alert status, ang Luzon grid ay sasailalim naman sa yellow alert status mula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 12:00 mamayang hatinggabi.

Read more...