Pondo para sa pagsasa-ayos ng ilang historical church sa Pampanga inihahanda na
Dudulog ang National Historical Commission of the Philippines sa Department of Budget and Management para sa pagpapagawa ng tatlong simbahan sa Pampanga na nasira dahil sa 6.1 magnitude na lindol noong Lunes
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni NHCP Chairperson Rene Escalante na base sa pag-iinspeksyon ng kanilang hanay, tatlong simbahan sa Angeles City, Lubao at Guagua na naideklara bilang National Historical Landmarks ang nagtamo ng danyos dahil sa lindol.
Gayunman sinabi ni Escalante na sa ngayon, hindi pa mabatid ng kanilang hanay kung magkano ang naging danyos ng lindol.
Sa ngayon pinayuhan ng NHCP ang mga nangangasiwa sa tatlong simbahan na ipasara muna para sa kaligtasan na rin ng kanilang mga parokyano.
Ayon kay Escalante, dahil deklaradong National Historical Landmarks ang tatlong simbahan, maaaring kumuha ng pondo sa General Appropriations Act para sa susunod na taon.
Bagamat Hindi kasama sa National Historical Landmark ang Saint Catherine Parish sa Porac, Pampanga na nagtamo ng matinding pinsala maari pa ring mapaglaanan ng pondo ng pamahalaan dahil sakop ng heritage law ang naturang simbahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.