PCSO magbibigay ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Central Luzon
Tiniyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) ang agarang pagpapalabas ng calamity fund para sa lalawigan ng Pampanga na napuruhan sa 6.1 magnitude quake na tumama sa Luzon noong Abril 22.
Sinabi ni PCSO Director Sandra Cam na inatasan sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na umalalay sa mga naging biktima ng earthquake.
Paliwanag nito, ibibigay kaagad nila ang tulong para magamit na at isusunod na lamang ang mga documentary requirements.
Anya ina-asses ng PCSO Board ang sitwasyon sa mga lugar na naapektuhan ng lindol, pagbabatayan din ang report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office(PDRMO) at dito ibabase kung magkano ang halaga ng tulong na ibibigay.
Ang ayuda ng PCSO ay direktang ibibigay sa LGU na sya nang bahala kung anong tulong ang ibibigay nito sa mga biktima.
Bukod sa calamity fund ay may medical assistance din na ibinibigay ang PCSO sa mga biktima na nasa ospital sa pamamagitan ng kanilang Individual Medical Assistance Program(IMAP).
Samantala, ang dalawang empleyado ng Chuzon Supermarket na sina Maria Lourdes Martin, 25 anyos at Desiree Pacun na 5 taon nang nagtatrabaho sa supermarket na kapwa naputulan ng binti matapos madaganan ng bumagsak na semento ay maaaring maibalik pa sa nornal ang buhay dahil sasagutin ng PCSO ang paglalagay sa kanila ng artificial leg.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.