Konsehal at kapatid patay sa pamamaril sa Negros Occidental

Patay ang isang konsehal at kapatid nito makaraang pagbabarilin sa Negros Occidental, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Michael Garcia, konsehal sa bayan ng Moises Padilla at ang kaniyang kapatid na si Mark.

Napaulat na pinagbabaril ang dalawa habang nagkakampanya para sa May 13 elections.

Mahigit-kumulang nasa tatlumpung armadong lalaki ang umatake sa mga biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa pamamaslang.

Matatandaang pinagbabaril din ang konsehal na si Jolomar Hilario sa kaparehong lugar noong buwan ng Marso.

Read more...