3 patay sa nag-crash na helicopter sa Malolos, Bulacan
Kinumpirma ni Philippine Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon na tatlo na ang naitalang patay makaraang mag-crash sa isang palaisdaan ang isang private chopper sa lalawigan ng Bulacan.
Sa paunang ulat ng PRC, anim ang sakay ng chopper na bumagsak sa fishpond na sakop ng Brgy. Anilao sa lungsod ng Malolos, Bulacan pasado ala-una ng hapon.
Kaagad na nagpadala ng ambulansiya ang lokal na pamahalaan at Philippine Red Cross sa lugar.
Ang ilan sa mga sugatan ay mabilis na isinugod sa Bulacan Medical Center.
Ayon sa Malolos City Police Office, ang bumagsak na chopper ay may body number na RP C8098.
Sa hiwalay na impormasyon, sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang bumagsak na chopper ay pag-aari ng LGC Air Transport.
Papunta ang nasabing helicopter sa San Fernando Pampanga ng bumagsak sa palaisdaan sa Malolos City.
Nasa crash site na ngayon ang grupo ni Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) para sa kaukulang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.