Mga estudyante dapat may disaster reduction subject ayon kay Sen. Angara
Upang mas maging handa sa anumang kalamidad maging ang mga murang edad, nanawagan si Senator Sonny Angara na magkaroon ng disaster risk education subject sa elementarya pa lang.
Aniya sa ganitong paraan ay mas maiintindihan ng mga bata ang kahalagahan ng kaalaman at paghahanda sa lahat ng uri ng kalamidad.
Aniya mahalaga ito dahil madalas na magkaroon ng kalamidad sa bansa.
Ito aniya ang dahilan kayat inihain niya ang Senate Bill 1994 na layon bumuo ng Department of Disaster Resilience.
Sa ngayon may disaster risk and management education sa high school at college alinsunod sa Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
Dapat aniya sesentro ang lesson plans para mapagbuti ang kahandaan ng mga bata sa pamamagitan ng leksyon na angkop sa kanilang murang kaisipan at madali nilang miababahagi sa kanilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.