BRP Andres Bonifacio ng Philippine Navy tumulak na patungong Korea para sa Maritime Training Exercise

By Ricky Brozas April 25, 2019 - 12:57 PM

Binigyang-pugay ng tropa ng Philippine Navy ang kanilang flagship na Datu Kalantiaw at ang tropa nito na kasamang lumubog sa karagatang sakop ng Calayan Island sa Cagayan na lumubog noong 1981.

Nagsagawa ng tinatawag na passing honor ang BRP Andres Bonifacio sa Calayan Island at pinangunahan ng kanilang chaplain ang pag-aalay ng panalangin sa mga nasawing miyembro ng Philippine Navy noong dekada otsenta.

September 21, 2981 nang hambasin ng malalaking alon sa laot ang RPS Datu Kalantiaw sa kasagsagan ng bagong Clara.

Ang RPS Datu Kalantiaw ay isang Cannon class destroyer escort na itinulak ng malalaking alon sa mabatong parte ng Calayan point hanggang sa lumubog ito.

97 ang sakay ng RPS Datu Kalantiaw at 79 na sailors ng Navy ang namatay.

Ang passing honor ay isang pag-aalala ng Philippine Navy sa kanilang mga kabaro na nag-sakripisyo para laot para protektahan ang ating mga karagatan.’

Ang BRP Andres Bonifacio ay umalis kahapon sa Port of Manila at patungong Busan sa Korea para lumahok sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus Maritime Security Field Training Exercise 2019.

TAGS: ASEAN Defense Ministers' Meeting-Plus Maritime Security Field Training Exercise 2019, BRP Andres Bonifacio, ASEAN Defense Ministers' Meeting-Plus Maritime Security Field Training Exercise 2019, BRP Andres Bonifacio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.