GetGo app ng Cebu PAcific napasok ng hackers

Kinumpirma ng Cebu Pacific na nagkaroon ng unauthorized access sa server ng kanilang GetGo application Miyerkules (Apr. 24) ng gabi.

Sinabi ng CebuPac sa kanilang pahayag na agad naman itong nai-secure.

Tiniyak din nito sa kanilang mga kliyente na walang naka-store na credit card information sa nasabing server.

Ang GetGo ay rewards program ng Cebu Pacific.

Bilang agpapatupad ng precautionary measure, pansamantalang dinis-able muna ang pag log-in gamit ang GetGo credentials sa Cebu Pacific website at sa mobile app.

Disabled na din muna ang lahat ng GetGo online channels habang patuloy ang imbestigasyon na ginagawa.

Nakipag-ugnayan na ang airline company sa National Privacy Commission kaugnay sa pangyayari.

Read more...