Beijing nagpalabas ng kauna-unahang ‘smog red alert’

By Jay Dones December 08, 2015 - 04:08 AM

 

Inquirer.net/AP

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpalabas ang Beijing ng red alert dahil sa matinding smog na nararanasan sa kasalukuyan sa China.

Sa ilalim ng red alert warning, pinapayuhan na ang mga paaralan na pansamantalang magkansela ng mga klase.

Inaabishuan din ang ilang mga pabrika na pansamanalang magsara upang hindi na bumiyahe pa ang mga sasakyan ng mga manggagawa at magdulot ng karagdagang polusyon sa hangin.

Ayon sa abiso mula sa Beijing Municipal Environmental Protection Bureau, layon din ng babala na makaiwas ang publiko sa problema sa kalusugan na posibleng idulot ng smog.

Nangangamba pa ang mga otoridad sa China na tumaas pa ang antas ng mga particulates sa himpapawid sa mga susunod na araw bago ito mawala sa pagdating ng cold front sa Huwebes.

Matatandaang noong Nobyembre, nakaranas din ng matinding smog ang Beijing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.