Number 1 sa drug watchlist sa isang barangay sa Pasay patay nang manlaban sa mga pulis

By Ricky Brozas April 25, 2019 - 12:35 PM

Patay ang itinuturing na number 1 sa drugs watchlist ng Brgy. 77 sa Pasay City matapos umanong manlaban sa mga pulis na magsisilbi sana ng warrant of arrest.

Dead on arrival sa Pasay General Hospital si Ferdinand Ajido Lerit, na sinasabing bukod sa pagiging adik ay sangkot din sa gun running o pagbebenta ng iligal na mga baril.

Ayon kay NCRPO Chief PMaj. Gen Guillermo Eleazar, magkasanib ang pwersa ng Pasay Police at mga tauhan ng SWAT nang magtungo sa Flores Compound sa Bgy 176 sa Pasay para sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Wlhhelma Jorge-Wagan pero, bigla umanong nagpaputok ng baril ang suspek kaya napilitan ang arresting team na gumanti ng putok.

Alas sais y bente nang ideklarang patay na ang suspek ni Dr. Dorriois Cruz.

Narecover mula sa suspek ang isang kalibre 45 baril, isng caliber 38 pistol, sachet ng mga iligal na droga at mga drug paraphernalia.

 

TAGS: drug suspect, encounter, Pasay City, War on drugs, drug suspect, encounter, Pasay City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.