Diplomatic ties ng Canada sa Pilipinas puputulin ng Malakanyang kung hindi agad kukuhanin ang kanilang basura

By Chona Yu April 25, 2019 - 11:57 AM

Hindi mag-aatubili ang Pilipinas na putulin ang 7-taon nang diplomatic ties sa Canada kapag hindi agad na kinuha ang mahigit 100 container na basurang itinapon sa bansa noong 2013.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dismayado ang palasyo sa tugon ng Canada dahil bagaman may binuo na silang working group para ayusin ang problema, hindi naman tinukoy ng Canada ang eksaktong petsa kung kailan kukunin ang kanilang basura.

Giit ni Panelo, hindi na dapat na magpatumpik-tumpik pa ang Canada at kunin na agad ang kanilang basura ng dahil kung hindi ay itatapon ito sa kanilang dalampasigan.

Hindi aniya madadaan sa negosasyon ang paninindigan ng Pilipinas na ginawang garbage bin ng Canada ang bansa.

Ayon kay Panelo, bukod sa hindi pagdedesisyon agad ng Canada sa naturang usapin ay hindi man lamang ito nagpahayag ng pagsisisi.

TAGS: canada, philippines, Radyo Inquirer, wastes, canada, philippines, Radyo Inquirer, wastes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.