Managing editor ng Manila Times nagbitiw sa pwesto kasunod ng artikulo hinggil sa “Matrix”
Nagbitiw na sa kaniyang pwesto ang managing editor ng Manila Times na si Felipe Salvosa II.
Ito ay matapos maging kontrobersiyal ang artikulong inilabas ng pahayagan hinggil sa “Matrix” ng mga umano’y magkakasabwat na indibidwal para patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Isinumite ni Salvosa ang kaniyang resignation makaraang ikagalit umano ni Manila Times owner at chairman emeritus Dante Ang ang tweet ng nasabing editor na kumukwestyon sa artikulo hinggil sa “Matrix” kung saan idinadawit ang Philippine Center for Investigative Journalism, Vera Files, Rappler, at National Union of People’s Lawyers sa plot para patalsikin sa pwesto ang pangulo.
Sinabihan umano ni Ang si Salvosa na umalis sa pwesto pero sinabi ni Salvosa na handa siyang magbitiw.
Noong araw na lumabas ang artikulo sa Manila Times, nag-post sa kaniyang twitter account si Salvosa na nagpapahayag ng pag-kontra sa artikulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.