Sri Lanka Navy nasa bansa na para sa 4-day goodwill visit
Nasa bansa ang Offshore Patrol Vessel ng Sri Lanka Navy P626 para sa apat na araw na goodwill visit.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon nang pagbisita sa bansa ng Sri Lanka Navy.
Dumaong ang Tropa ng Sri Lankan Navy sa Pier 15 sa Manila South Harbor.
Binigayan sila ng welcome ceremony ng tropa ng Philippine Navy sa pangunguna ni Philippine Fleet Capt. Florante Gagua.
Ayon kay Capt. Gagua, patunay ang pagbisita sa bansa ng Sri Lanka Navy Vessel nang patuloy na paglakas ng relasyon ng Pilipinas at Sri Lanka.
Bahagi ng 4-day goodwill visit ng Sri Lanka Navy ang mga friendly games sa pagitan ng tropa nito at ng mga tropa ng Philippine Navy.
Pinasalamatan ng mga opisyal ng Sri Lanka Navy Vessel ang Philippine Navy sa mainit na pagsalubong sa kanila kanina gayundin ang pagpapaabot ng Pamahalaang Pilipinas ng simpatya at pakikiramay sa nangyaring pagpapasabog sa kanilang lugar noong Linggo ng Pagkabuhay na ikinamtay ng daan-daang indibidwal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.