LOOK: Buong riles ng MRT-3 isinailalim sa inspeksyon

DOTr Photo

Isinailalim sa inspeksyon ang buong riles ng MRT-3 ngayong Huwebes (Apr. 25) ng umaga.

Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) kasamang nag-inspeksyon ang Joint Advisory Panel mula sa ADB at Australia Aid, consultant mula CB&T, at mga opisyal ng Sumitomo-MHI-TES Philippines.

Isinagawa ang track inspection sa riles para malaman kung paanong mas mapabubuti pa ang sitwasyon ng sa buong linya ng MRT-3.

Simula nuong April 4 ay nagsasagawa ang MRT-3 ng rail grinding activities.

Ito umano ang pinaka-epektibong paraan sa pag-mentina ng riles para maiwasan ang epekto ng rail fatigue.

Read more...