Konsehal patay sa pananambang sa Maguindanao

By Dona Dominguez-Cargullo April 25, 2019 - 10:36 AM

Patay ang isang konsehal makaraang tambangan sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao.

Nakilala ang nasawing konsehal na si Berto Guiamadel, 55 anyos, isang incumbent councilor sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.

Ayon kay Police Col. Ronald Briones, direktor ng Maguindanao police, naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero pumanaw din.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Police Capt. Aaron Acuna, acting police chief ng Mamasapano, sakay si Guiamadel ng kaniyang motorisklo patungong palengke nang siya ay pagbabarilin ng dalawang suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Hindi na umano tatakbo sa eleksyon sa Mayo si Guimadel dahil sa kaniyang kondisyon na pangkalusugan.

Na-mild stroke kasi ang biktima kamakailan.

Kaya nagtataka ang mga malapit dito kung ano ang motibo sa pananambang.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

 

TAGS: ambush, maguindanao, town councilor, ambush, maguindanao, town councilor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.