Ayon sa NGCP, maaring magpatupad ng Manual Load Dropping (MLD) ngayong araw sa ilang bahagi ng Cagayan, Quezon at Sorsogon gayundin sa Metro Manila.
Ito ay bunsod ng pag-iral ng yellow at red alert sa Luzon grid.
Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, maayos na sana ang sitwasyon ng mga planta bago ang nangyaring lindol sa Luzon noong Lunes.
May mga planta aniya ng kuryente na naapektuhan ng 6.1 magnitude na pagyanig kaya muling numipis ang reserba ng kuryente sa Luzon grid.
Kaugnay nito, nanawagan si Zaldarriaga sa publiko na maging matipid sa paggamit ng kuryente.
Bagaman mahirap ang sitwasyon ngayon dahil sa matinding init ng panahon, marami namang pamamaraan upang makatipid sa enerhiya.