Phivolcs pinawi ang pangamba ng mga residente sa Pampanga; Mt. Pinatubo hindi nakikitaan ng aktibidad

By Dona Dominguez-Cargullo April 25, 2019 - 09:20 AM

inawi ng Phivolcs ang pangamba ng publiko na puputok ang Mt. Pinatubo matapos ang naganap na lindol sa Luzon nuong Lunes, April 22.

Ayon sa Phivolcs, walang nakikitang emission ng abo mula sa Mt, Pinatubo at wala ding indikasyon ng “ash fall” o aktibidad ng bulkan.

Ginawa ng Phivolcs ang pahayag matapos ang pangamba ng mga residente dahil may Nakita umano silang usok malapit sa bulkan nang yumanig ang 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.

Nagsagawa umano ng inspeksyon ang kanilang team sa crater ng bulkan at walang nakitang steaming activity noong araw ng paglindol at nitong nagdaan pang mga araw.

Ang napaulat umano na usok na Nakita ng mga residente ay alikabok na galling sa rockslides na naganap sa lugar dahil sa lindol.

Kasabay nito, tiniyak ng Phivolcs sa publiko na 24-oras na namomonitor ang galaw ng Mt. Pinatubo at iba pang bulkan sa bansa.

TAGS: DOST, Mt. Pinatubo, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, DOST, Mt. Pinatubo, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.