Power breakdowns sa Luzon iimbestigahan na ng senado

By Jan Escosio April 25, 2019 - 08:58 AM

Ala 1:00 ng hapon ngayong araw isasagawa ang pagdinig ng Senate Committee on Energy sa mga pagbagsak ng planta ng kuryente sa Luzon.

Ayaw munang magbigay komento ni Sen. Win Gatchalian, ang namumuno sa komite, sa mga pagdududa na may sabwatan naganap kaya’t ilang beses na nawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

Aniya hihintayin niya muna ang paliwanag ng mga stakeholders sa gagawing pagdinig.

Binanggit din ng senador na may hawak na siyang report mula sa Department of Energy (DOE) ngunit tumanggi itong ibahagi ang nilalaman ng ulat sa katuwiran na gusto niya na mismong mga opisyal ng kagawaran ang magpaliwanag.

Naniniwala din si Gatchalian na magiging sapat ang suplay ng kuryente sa araw ng eleksyon dahil aniya ito ay holiday at walang pasok sa mga kompaniya, pabrika at pagawaan.

TAGS: DOE, power reserve, power supply, DOE, power reserve, power supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.