Mag-pinsan, patay sa pananaksak sa Ilocos Sur

By Jay Dones December 08, 2015 - 04:05 AM

 

crime-scene-300x200Patay sa pananaksak ang dalawang babaeng mag-pinsan at pawang mga estudyante sa kanilang tahanan sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Kinilala ang dalawang biktima na sina Rowena Vugarin at Vanessa Bugarin na parehong 19-anyos.

Ayon sa mga otoridad, narinig ng kanilang tiyuhing si Edito na humihingi ng saklolo ang pamangkin na si Rowena at natagpuan na lamang niyang tadtad ng saksak ang mag-pinsan.

Isinugod pa ang dalawa sa ospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

Nahuli naman na ng mga otoridad ang suspek na si Lord Jim Bilen na kapitbahay ng magpipinsan, na umaming lasing ito at wala sa tamang huwisyo nang gawin ang krimen.

Narekober ng mga pulis ang kutsilyong ginamit ng suspek sa krimen.

Sinampahan na rin ng karampatang kaso si Bilen sa pagpatay sa mag-pinsan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.