Pilipinas hindi na hihingi ng tulong sa ibang bansa para magsilbing broker sa pakikipag-usap sa China

By Chona Yu April 25, 2019 - 08:08 AM

Wala nang balak ang Pilipinas na kumuha ng power talk para magsilbing kinatawan ng bansa at mag-broker sa China para sa usapin sa Scarborough shoal.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, mahirap kasi na makipag-broker ng deal nang hindi nabeberepika.

Ayon kay Sta. Romana, mas makabubuti na ang Pilipinas ang mismong direktang makikipag-usap sa China para ayusin ang sigalot sa Scarborough shoal.

Matatandaang kinuha ng Pilipinas ang Amerika na makipag-broker sa China subalit ang naging resulta ay nawalan ng kontrol ang Pilipinas sa Scarborough shoal noong 2012 matapos magkaroon ng standoff sa China.

Ayon kay Sta. Romana, diplomasiya ang pinakamabisang paraan para hindi na mawalan ulit ng teritoryo ang Pilipinas sa South China Sea.

Dahil aniya nagkaroon na ng high level diplomacy talks sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping noong 2016, nagkasundo ang dalawang bansa na manatiling unreclaimed ang Scarborough at hayaan ang traditional access na makapangisda ang mga Filipino sa lugar.

Nasa China ngayon ang pangulo para sa Belt and Road Forum na naglalayong paigtingin pa ang economic integration at kooperasyon ng iba’t ibang bansa.

Tinatayang nasa 37 heads of state ang inaasahang dadalo sa forum na magsisimula ngayong araw April 25 hanggang 27.

TAGS: China, philippines, scarborough shoal, West Philippine Sea, China, philippines, scarborough shoal, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.