Yellow at red alert iiral muli sa Luzon grid ngayong maghapon
Muling itinaas ang yellow at red alert sa Luzon grid ngayong maghapon ng Huwebes dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang available capacity ngayon sa Luzon ay 10,707MW habang ang peak demand ay 10,534MW.
Dahil dito, itinaas ang yellow alert mula 8:00AM hanggang 10:00AM, 5:00PM hanggang 6:00PM at 9:00PM hanggang 11:00PM.
Red alert naman mula 10:00AM hanggang 5:00PM at 6:00PM hanggang 9:00PM.
Kahapon ay nagpatupad na ng rotational brownout ang Meralco at NGCP sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila dahil sa manipis na reserba ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.