Ilang bahagi ng Mindanao niyanig din ng magkakasunod na lindol mula kahapon
Niyanig din ng magkakasunod na may kalakasang lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon hanggang ngayong umaga.
Unang naitala ang magnitude 4.5 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental alas 11:28 ng umaga kahapon, araw ng Miyerkules (Apr. 24).
Sinundan ito ng magnitude 4.7 na lindol na naitala sa Baganga, Davao Oriental alas 11:43 ng umaga.
Naitala ang Intensity 1 sa Bislig City, Surigao del Sur bunsod ng naturang pagyanig.
Alas 10:54 naman ng gabi, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng General Luna sa Surigao Del Norte.
Ngayong umaga ng Huwebes, Apr. 25 unang naitala ang magnitude 3.7 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.
At alas 5:09 ng umaga naman ay tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa bayan pa rin ng General Luna, Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, ang mga pagyanig ay hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala. (END/DD)
Excerpt: Simula kahapon hanggang ngayong umaga ay magkakasunod ang pagyanig sa Davao Occ., Davao Or., at Surigao del Norte.
Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.