Fire truck na reresponde sa sunog tumagilid sa QC, 4 ang sugatan

Isang truck ng bumbero na reresponde sana sa sunog ang tumagilid sa Brgy. Bagong Silangan sa Quezon City.

Patungo sana sa isang insidente ng sunog ang fire truck nang masagi ito ng isang SUV dahilan para mawalan ng kontrol.

Doon na inararo ng truck ang ilang tricycle sa lugar at saka ito tumagilid.

Nangyari ang aksidente alas 9:30 ng gabi ng Miyerkules, Apr. 24.

Dahil sa insidente, apat na katao ang nasugatan.

Read more...