2 palapag na bahay nasunog sa Maynila; lolo sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo April 25, 2019 - 06:34 AM

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Sampaloc, Maynila.

Nagsimula ang sunog sa bahagi ng Craig Street kanto ng Piy Margal pasado alas 3:00 ng madaling araw ng Huwebes, April 25.

Isang lolo naman ang nagtamo ng minor injuries na residente ng nasunog na dalawang palapag na bahay.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog at naideklarang fire out alas 4:06 ng umaga.

Wala na ring ibang bahay na nadamay pa sa sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: fire, fire incident, manila, Sampaloc Manila, fire, fire incident, manila, Sampaloc Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.