Easterlies nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa
Patuloy na makararanas ng mainit na panahon ang buong bansa dahil sa umiiral na easterlies.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, partikular na nakakaapekto ang easterlies sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, Visayas at Mindanao dahil sa easterlies.
Nagbabala ang weather bureau sa posibilidad ng flash floods.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon naman ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may posibilidad ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.