60 patay sa pagbaha at mudslides sa South Africa

By Rhommel Balasbas April 25, 2019 - 04:22 AM

AP photo

Nasawi ang hindi bababa sa 60 katao sa mga pagbaha at mudslides sa Durban city at KwaZulu-Natal province sa South Africa.

Ang timog at silangang mga bahagi ng bansa ay nakaranas ng napakalakas na pag-ulan nitong mga nagdaang-araw.

Ayon kay President Cyril Ramaphosa, nasa 1,000 katao na ang inilikas dahil sa mga pagbaha at personal niyang binisita ang mga nasalantang lugar.

Samantala, isang anim na buwang gulang na sanggol at isang bata ang kabilang sa mga nasawi.

Rumagasa ang baha sa mga business establishments, mga bahay at dalawang unibersidad.

Inaasahang magpapatuloy ang pagbaha at malalakas na hangin sa coastal areas at nakataas pa rin ang severe weather warning.

TAGS: 60 katao, baha, mudslides, patay, President Cyril Ramaphosa, severe weather warning, south africa, 60 katao, baha, mudslides, patay, President Cyril Ramaphosa, severe weather warning, south africa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.