Sa report ng NEA, lahat ng electric cooperatives sa Central Luzon ay balik-normal na ang operasyon kabilang mismo ang mga nasa Pampanga na pinakanaapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol noong Lunes.
Ayon kay NEA deputy administrator for Technical Services Artis Nikki Tortola, ang PELCO-II sa Guagua na lubhang natamaan ng lindol ay naibalik na ang kanilang power distribution system araw ng Miyerkules.
Ang Eastern Samar Electric Cooperative Inc. (ESAMELCO) ay normal na rin ang serbisyo.
Ang Samar I Electric Cooperative Inc. (SAMELCO I), SAMELCO II at Northern Samar Electric Cooperative, Inc. (NORSAMELCO) na nakaranas ng power outages dahil sa lindol ay balik-normal na rin ang operasyon.
Sinabi ni Tortola na ang lindol ay nagdulot lamang ng minor damages sa power cooperatives sa Eastern Visayas.