NEA: Electric coops naibalik na ang kuryente sa mga lugar na napinsala ng lindol

By Rhommel Balasbas April 25, 2019 - 04:11 AM

Inanunsyo ng National Electrification Administration (NEA) na naibalik na sa normal ng lahat ng electric cooperatives ang distribusyon ng kuryente sa lahat ng lugar na naapektuhan ng lindol sa Central Luzon at Visayas.

Sa report ng NEA, lahat ng electric cooperatives sa Central Luzon ay balik-normal na ang operasyon kabilang mismo ang mga nasa Pampanga na pinakanaapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol noong Lunes.

Ayon kay NEA deputy administrator for Technical Services Artis Nikki Tortola, ang PELCO-II sa Guagua na lubhang natamaan ng lindol ay naibalik na ang kanilang power distribution system araw ng Miyerkules.

Ang Eastern Samar Electric Cooperative Inc. (ESAMELCO) ay normal na rin ang serbisyo.

Ang Samar I Electric Cooperative Inc. (SAMELCO I), SAMELCO II at Northern Samar Electric Cooperative, Inc. (NORSAMELCO) na nakaranas ng power outages dahil sa lindol ay balik-normal na rin ang operasyon.

Sinabi ni Tortola na ang lindol ay nagdulot lamang ng minor damages sa power cooperatives sa Eastern Visayas.

TAGS: Artis Nikki Tortola, balik-normal, electric cooperatives, Kuryente, lindol, minor damages, National Electrification Administration, Artis Nikki Tortola, balik-normal, electric cooperatives, Kuryente, lindol, minor damages, National Electrification Administration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.