Domestic workers sa Visayas may P500 na umento sa sahod

By Rhommel Balasbas April 25, 2019 - 04:01 AM

Inanunsyo ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) araw ng Miyerkules ang umento sa sahod ng domestic workers sa Western Visayas simula sa May 8.

Ayon sa NWPC, inaprubahan ng Western Visayas region wage board ang P500 na dagdag sa buwanang sahod ng domestic workers sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras at Iloilo.

Dahil sa umento, mula sa P3,500 ay magiging P4,000 na ang minimum wage ng mga manggagawa sa mga lungsod at first class municipalities sa Western Visayas.

Mula naman sa dating P3,000 ang domestic workers sa iba pang lugar ng rehiyon ay makatatanggap na ng P3,500 buwanang sahod.

Ayon sa NWPC, ang umento ay upang makasabay ang mga manggagawa sa tumataas na cost of living sa rehiyon.

TAGS: cost of living, dagdag P500, domestic workers, minimum wage, National Wages and Productivity Commission, umento, western visayas, Western Visayas region wage board, cost of living, dagdag P500, domestic workers, minimum wage, National Wages and Productivity Commission, umento, western visayas, Western Visayas region wage board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.