Notoryus na tulak ng droga patay sa engkwentro sa Silang, Cavite

By Rhommel Balasbas April 25, 2019 - 03:49 AM

Contributed photo

Patay ang isang drug suspek matapos mauwi sa engkwentro ang dapat sana ay buy bust operation lamang sa Silang, Cavite alas-11:30 gabi ng Miyerkules.

Sa impomasyon ng Silang Police, nagsagawa sila ng operasyon laban sa suspek na si alyas ‘Onel’ sa Brgy. Maguyam.

Positibong nakabili ang police poseur buyer ng P500 halaga ng shabu.

Ilang sandali pa ay nahalata ni Onel na pulis ang kanyang katransaksyon kaya’t makailang beses itong nagpaputok ng baril at tinangkang tumakas.

Gayunman ay gumanti ng putok ang mga pulis na agaran nitong ikinasawi.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspek ay notoryus na tulak ng droga sa ilang baranggay sa Dasmariñas City at Silang, Cavite.

Nakuha sa crime scene ang kalibre .38 na revolver at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

TAGS: buy bust, cavite, engkwentro, notoryus, P500 halaga, patay, shabu, Silang, buy bust, cavite, engkwentro, notoryus, P500 halaga, patay, shabu, Silang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.