Grab may libreng sakay sa mga biktima ng lindol sa Pampanga
May alok na libreng transport services ang ride-hailing platform na Grab para sa mga biktima ng lindol sa Pampanga.
Sa isang pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ng Grab na available ang kanilang libreng sakay sa San Fernando, Porac, Guagua at Floridablanca mula ngayong araw April 25 hanggang Sabado, April 27.
Mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi, ang Grab ay mag-iistasyon ng mga kotse sa entrance at exit points ng mga sumusunod na ospital:
- Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital (San Fernando City)
- Jose S. Lapid District Hospital (Porac)
- Diosdado Macapagal Memorial Hospital (Guagua)
- Romana Pangan District Hospital (Floridablanca)
Sinabi rin ng Grab na handa rin silang tumulong sa iba pang munisipalidad.
Maliban dito, mayroong alok na tulong-pinansyal ang kumpanya sa kanilang mga drivers sa Pampanga na naapektuhan ng lindol.
Samantala, ang mga pasahero ng Grab ay pwede namang makatulong sa Philippine Red Cross sa pamamagitan ng kanilang GrabRewards points na pwedeng ma-access sa pamamagitan ng Grab app.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.