Cabagnot, 7 iba pa pinagmulta ng PBA

Walong players kabilang si San Miguel guard Alex Cabagnot sa huling mga pinagmulta ng PBA.

Pinatawan si Cabagnot ng P20,000 na multa dahil sa blow hit nito kay RJ Jazul ng Phoenix sa ikalawang kwarter ng laban ng Beermen sa Phoenix sa Game 4 ng Philippine Cup semifinals araw ng Martes.

Ayon sa PBA, nakagawa si Cabagnot ng flagrant foul penalty 2 matapos na hindi ito itawag ng mga referee.

Bukod kay Cabagnot, tatlong iba pang Beermen ang pinagmulta rin.

Pinagmulta si Kelly Nabong ng P3,400 at tig P1,600 sina Arwind Santos at Matt Ganuelas-Rosser dahil sa technical foul bunsod ng magkakahiwalay na insidente.

Samantala, apat na Phoenix players ang pinatawan din ng penalty.

Nasa P2,600 ang multa ng na-eject na si Alex Mallari habang P6,600 kay Jaypee Mendoza.

Pinagmulta naman si Ron Denison ng P5,000 habang si Jayson Perkins ay P1,600.

Read more...